Binata, Patay; 2 pa Sugatan sa Bala

PATAY ANG binata habang sugatan ang dalawang menor-de-edad matapos tamaan ng ligaw na bala nang pagbabarilin ang una ng hindi pa kilalang suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Fernando Rodrigo, 35 ng Flovi Homes, Tonsuya ng lungsod.

Ginagamot din sa nasabing ospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang pigi si Ronna Bacay, 10; habang dinala sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa si John Bryan Saspa, 15, kapwa kalugar ng nasawi.

Batay sa ulat, alas-7:20 ng gabi, nagbabantay si Rodrigo sa kanilang tindahan ng bigas sa nabanggit na lugar nang paputukan ng suspek.

Nagawa pang maka-takbo ang nasawi subalit hinabol ng suspek at sunud-sunod na pinaputukan kung saan nahagip din sina Bacay at Saspa na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital.

Nakatakas ang suspek na inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.