Binata, niratrat sa labas ng bahay, kritikal

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos ratratin ng bala ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa labas ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Reginald Parungao, 27 ng Idiwa St., 8th Ave., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng umaga, nakaupo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang ratratin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at malaman ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.