Binata, Niratrat sa Binguhan

 

ISANG LALAKI ang namatay habang sugatan naman ang tatay nito matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang mag-ama ay naglalaro ng bingo sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead-on the spot sa lugar ng pinangyarihan ng insidente si Kary Lanz Lorenzo, binata, ng Arellano St., Brgy. Concepcion ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Pepito Ignacio, Jr., ama ng nasawi sanhi ng tinamong bala ng baril sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin matapos isagawa ang pamamasalang at ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Philip Edgar Valera, ng Satation Investigation Division (SID) ng Navotas Police, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa Electronic Bingo  sa tapat ng gusali ng Sea Front sa nasabing barangay.

Magkatabing naglalaro ng bingo ang mag-ama pero lingid sa kaalaman ng mga ito, palihim na lumapit ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-ama na agad napuruhan ang batang Ignacio.

Nabatid sa saksing si Angelito Hillarille nakatalagang security guard sa Sea Front building, tatlong putok ng baril ang uma-lingawngaw hanggang sa biglang mngtakbuhan ang  mga manlalaro na tanging naiwan  ang mag-ama na pawang naliligo sa sariling dugo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa krimen, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa salarin. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.