Binata, Nilamon ng Alon

NAGING MALAGIM na trahedya ang sinapit ng magkakabarkadang nagkayayaang mag-excursion nang ta-ngayin ng malakas na alon at malunod ang isa sa kanilang kasama sa New Washington, Aklan.

Ang biktima ay kinilalang si Melvin Relator, residente ng Brgy. Agbanawan, Banga ng nasabing lalawigan.

Batay sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, nagkayayaan ang magkakabarkadang pumunta sa isang resort sa naturang barangay nang maganap ang insidente.

Nang malasing ay pilit na naligo ang biktima, ngunit hindi na ito nakaahon pa.

Agad namang nakita ang biktima ng kanyang mga kaibigan at dinala sa ospital, pero bigo nang maisalba ang buhay nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.