Binata, Natuluyan sa Ikalawang Pagtatangka

TULUYAN NANG nasawi ang binata matapos ang ikalawang pagbibigti dahil sa pagkalas ng iniirog sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rolando Abjos, 29, ng Francisco St., Parada ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang madatnang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kuyang si Rogelio.

Ayon pa kay Rogelio, noong unang pagtatangka ay naisalba pa nila ang biktima dahil sa kalungkutan mula ng magkahiwalay ng minamahal.

Inaalam pa rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.