Binata natagpuang tadtad ng saksak

SAKSAK SA DIBDIB at bigti sa leeg ang nakita sa isang binata nang matagpuang patay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Gonzales, 23, ng Anna Maria Heights ng lungsod.

Sa ulat, alas-5 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kahabaan ng Birong St., Brgy. 177 ng lungsod.

Lumalabas na ilang nagdaraan sa nasabing lugar ang nakakita sa biktima na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis kung saan sinasabing sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.