Binata, Nakipag-sex sa Dalagitang GF, Kulong

SWAK SA rehas ang binata matapos makipag-sex sa dalagitang nobya sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Simple Seduction si Sergio Del Rosario, 22 ng Taganahan St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi nang ayain ng suspek ang syotang 13 anyos na magpunta sa kanilang bahay at doon nakipag-sex.

Nang malaman ng mga magulang ng dalagita ang pangyayari ay nagpunta sa presinto bago pinadakip ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.