Binata, Naholdap ng Riding-In-Tandem

NAHOLDAP ANG isang binata ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sakay ng motorsiklo habang ang una ay naglalakad sa Navotas kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng biktimang si Jayson Cuntapay, 23, distributor ng loading station, alas-10 ng uma-ga, naglalakad siya sa Maya-Maya St., North Bay Boulevard South nang harangin ng mga suspek at tutukan ng mga baril.

Kinuha ng mga suspek ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng cellphone at cash na P7,500 bago tumakas sakay ng motosiklo na hindi na nakuha ang plaka dahil natatakpan ng tinted na plastic.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.