Binata, Nagpakamatay Dahil sa Kahirapan

KAHIRAPAN ANG itinuturong dahilan ng isang binata sa Quezon province para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti.

Kinilala ang natu-rang biktimang si Arnelito Saquedo, 25, isang mangingisda at residente ng Barangay Castañas, bayan ng Sairaya.

Base sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), nakita na lamang ni Sulita Alcantara, tiyahin ng biktima ang bangkay nito na nakasabit sa kisame ng bahay ng lolo nito gamit ang nylon cord.

Isang suicide note din ang iniwan nito sa kanyang cellphone kung saan nakasaad na gusto niyang tumulong sa pagbayad ng utang ng kanyang magulang dahil iniisip din umano niya ang hirap na pinagdaraanan ng pamilya.

Samantala, sinabi rin ng biktima na mahal na mahal niyang ang mga magulang at sana’y huwag siyang kalimutan.

Kasalukuyang nagdadalamhati ang pamil-ya Saquedo sa nangyari habang hinihintay pa ang resulta ng post mortem examination.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.