Binata, Nagbigti sa Sermon ng Tiyuhin

PATAY ANG isang 23-anyos na binata matapos magbigti dahil sa umano’y sama ng loob sa kanyang tiyuhin na palaging nanenermon sa kanya sa lalawigan ng La Union.

Nakilala ang nasabing biktima na si Reylan Yapit, residente ng Brgy. San Benito Sur, sa naturang lugar.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, natagpuan na lamang umano sa likod-bahay ang biktima ng kanyang mga kaanak na nakabitin, gamit ang isang lubid.

Bago umano nangyari ang insidente, pinagsabihan at pinagalitan ng kanyang tiyuhin ang biktima dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho.

Nabatid na naalis sa pinagtatrabahuan ang binata dahil sa madalas nitong pakikipag-inuman sa mga kaibigan.

Sinasabing nag-text pa umano ang binata sa kanyang girlfriend at nagpaalam ito bago isagawa ang balak na pagpapatiwakal.

Ipinagtapat din nito sa kasintahan ang ma-tinding sama ng loob sa tiyuhin dahil sa sermon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9459 stories on this site.

Comments are closed.