Binata, nagbigti nang iwan ng syota

MINABUTI PA NG isang binata ang wakasan na lamang ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos itong hiwalayan ng kanyang pinakamamahal na kasintahan sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.

Ang biktimang wala nang buhay nang matagpuan ng mga kasambahay ay nakilalang si Marlon Abique, 24, at residente ng Area 4, Riverside, Pinalagad, Malinta ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela-PNP, dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa salaysay ni Melba Ileto, tiyahin ng biktima, kinatok nito ang pamangkin sa loob ng kuwarto at nang walang nagbubukas ay binuksan na lamang ni Melba ang pinto subalit laking gulat nito nang makita ang nakabigting katawan ng pamangkin.

Sa pagsisiyasat ng mga rumespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police District (NPD), isang nylon cord ang ginamit ng biktima na ipinulupot nito sa kanyang leeg habang ang dulo naman nito ay nakatali sa biga ng kanyang kuwarto na naging dahilan ng agarang kamatayan ni Abigue.

Nabatid na ilang araw na umanong napapansin ng kanyang mga kamag-anak na matamlay ang biktima matapos itong iwan ng kanyang kasintahan hanggang sa isagawa nito ang pagpapatiwakal kung saan patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng binata. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.