Binata Nagbigti Dahil Nagtampo sa Nobya

PATAY ANG isang binata matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay nang magtampo dahil hindi sinipot ng nobya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-7:00 ng gabi, malamig na bangkay na nang makitang naka-bigti gamit ang nylon cord sa kanyang kuwarto ang biktimang si Gener Garido, 18, ng Phase 3-E1 ng lungsod ng kanyang kapatid na si Dennis.

Bago ang insidente, magdamag na nag-iinom ng alak ang biktima at nang malasing ay pinatungo ang kanyang nob-yang hindi na nakuha ang pangalang sa kanilang bahay.

Nabatid na hindi pinayagan ng kanyang ina ang nobya ng biktima dahil dis-oras na ng gabi.

Nang mag-uumaga na ay muling nag-text ang biktima sa nobya at si-nabing magpapakamatay subalit nakalipas ang ilang oras ay walang sagot na natanggap ang biktima na ikinasama ang loob nito.

Maghapong hindi lu-mabas ng kuwarto ang biktima at nang puntahan ng kapatid ay nakitang patay na nakabitin sa loob ng kuwarto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.