Binata, Nagbantang Ikakalat ang Sex Video Nila ng Nobya, Kalaboso

KALABOSO ANG isang binata matapos isumbong ng dating nobya dahil sa ginagawang pananakot ng una na ikakalat ang kanilang sex video kapag hindi nagbigay ng pera ang huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Adriel Lopez, 18 ng A. Dela Paz St., Sto. Niño, Marikina City.

Sa pahayag ng biktimang edad 18, dakong alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang mag-text sa kanya ang suspek at humihingi ng P800 at kapag hindi nagbigay ay ikakalat umano ang kanilang sex video.

Sa takot ay humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima hanggang sa magsagawa ng entrapment operation sa Tanique St., ng lungsod dakong alas-7 kamakalawa ng gabi.

Pagsulpot ng suspek ay agad na itinimbre ng biktima sa mga pulis na naging dahilan upang dakpin at dalhin sa presinto, kung saan lumalabas na ilang beses na rin nagbigay ng pera ang dalaga sa nobyo dahil sa takot na totohanin ng una ang banta.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.