Binata, Nadaganan si Utol sa Ulo, Patay

WALA NANG buhay nang marekober ng mga kinauukulan ang isang 18-anyos na binata matapos madagaan umano ng kanyang kapatid ang ulo nito habang naliligo sa waterfalls ng Barangay Dulian sa Zamboanga City na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing biktima na si Artie Cuartocruz Mahinay, residente ng barangay naturang lugar.

Nabatid na masayang naliligo ang biktima kasama ang panganay niyang kapatid na si Arjon Cuartocruz Mahinay sa naturang waterfalls bandang alas-11:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente.

Nag-dive umano ang panganay na utol ng biktima nang aksidente itong bumagsak sa bandang ulo ng kanyang kapatid kaya nawalan ng malay ang biktima hanggang malunod.

Hindi na umano naiahon mula sa tubig ng kapatid ang bikitma dahil malalim ang tubig sa lugar.

Makalipas ang ilang oras na retrieval operation na pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nakuha ang labi ng biktima sa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente at nasa 30 feet ang lalim.

Samantala, sinisiyasat  pa ng mga kinauukulan kung dapat bang managot sa naturang insidente ang panganay na kapatid ng biktima na naging sanhi ng pagkalunod nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.