Binata, Minura Sabay Saksak, Kritikal

KRITIKAL SA pagamutan ang isang binata matapos itong saksakin at murahin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa bangketa sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa katawan si John Joven, 19 ng Laguna St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi, nakaupo ang biktima sa bangketa sa Wagwag St., Bagong Barrio nang lapitan ng suspek at murahin bago saksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa MCU ang biktima kung saan inaalam na kung sino ang una at motibo sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.