Binata, Kulong sa Tangkang Rape sa Nene

KULONG ANG isang binata matapos tangkain halayin ang isang nene sa bakanteng lote sa Malabon City kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Randy Doria, 20 ng Sunflower St., Potrero ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, inaya ng suspek ang biktimang edad 9 na bumili sa tindahan at dahil kakilala ay sumama ang biktima.

Sa halip na tindahan ang puntahan ay dinala ng suspek ang biktima sa bakanteng lote sa Victoneta Avenue, Araneta Subd., Potrero ng lungsod at doon pinaghahalikan sa mga maseselang parte ng katawan hanggang ihiga.

Nang papatungan ay nagawa ng biktima na magsisigaw na narinig ng nagrorondang guwardiya na agad na nagsipito.

Dahil sa mga pito at takot na madakip ay nagtatakbo ang suspek papatakas habang inihatid ng mga guwardiya ang biktima sa kanilang bahay.

Nalaman ng mga magulang ng biktima ang pangyayari na naging dahilan upang samahan sa presinto at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.