Binata, Kulong sa Panghoholdap sa Bading

SWAK SA kulungan ang isang binata matapos tutukan ng patalim at holdapin ang isang bading na naglalakad kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si John Montejo, 19, ng Galicia St., Bangkulasi, Navotas.

Sa pahayag ni Kris John Fuentecilla, 25, ng Tondo, Manila, dakong alas-11:10 ng gabi, naglalakad siya sa F. Sevilla Blvd., Tañong, Malabon City nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspek.

Kinuha ng suspek ang coin pouch ng biktima na naglalaman ng P450 at sim card na may load na P500 bago tumakas si Montejo.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek subalit hindi na nabawi ang natangay sa bading. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.