Binata, Kulong sa Panghahalay sa Dalagitang Kapitbahay

DINAKIP ANG isang binata matapos halayin ang kapitbahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Rape in Relation to Child Abuse si Junrey Luna, 22, ng Jordan St., Jordan Heights, Llano ng lungsod.

Base sa ulat, alas-12:20 umaga, niyaya ng suspek sa loob ng kanilang bahay upang kumain ang dalagitang kapitbahay na edad 16.

Nang nasa loob na ay nagawang mahalay ng suspek ang biktima kung saan hinahanap na ang huli nang kanyang ina.

Nalaman ng ina ng biktima na kasama sa loob ng bahay ng suspek ang anak ay agad na humingi ng tulong sa mga pulis at ipinadakip si Luna.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.