Binata, Kulong sa Pananalat ng Ari ng Dalagita

KALABOSO ANG isang binata matapos salatin ang ari ng dalagitang naglalakad sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness si Robin Esguerra, 21, ng Magsaysay St., San Agustin ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktimang edad 14 ang kapatid sa Luna St., San Agustin ng lungsod nang salubungin ng suspek sabay salat sa ari ng dalagita.

Nag-iiyak ang dalagita at nagsumbong sa mga pulis na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.