Binata, Kulong sa Panabong na Manok

HINDI TUMAGAL sa tubig ang binata habang nakatakas ang kasama nang nakawin ang panabong na manok sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na si Eduardo Silahis, 18, ng Rd. 1, Malanday ng lungsod, habang nakatakas ang kasamang nakilala lang sa alyas na Saddam.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga, nasabat ng mga barangay tanod ang mga suspek habang bitbit ang panabong ni Pedro Ducut, 49, sa Pasolo ng lungsod.

Sa takot na madakip ay binitiwan ng mga suspek ang panabong at sabay talon sa katabing palaisdaan sa nasabing lugar.

Binantayan ng mga tanod ang paligid ng pa-laisdaan at nang magliwanag ay hindi na nakatiis si Silahis na naging dahilan upang lumutang habang nakapuga naman si Saddam. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.