Binata, Kulong sa Pagtatanan

KULONG ANG isang binata matapos itanan ang ka-text na dalagita sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Rape ang suspek na na-kilala lang sa alyas na Ryan, 23, ng Gulayan, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, noong nakaraang Mayo ay naging textmate ng suspek ang dalagitang edad 15 na taga-Pampanga hanggang sa makumbinsing magkita.

Nawala ang dalagita at makatanggap ng impormasyon ang mga magulang ng bata na sumama ang anak sa suspek sa Malabon City .

Alas-2 ng umaga ay humingi ng tulong ang mga magulang ng dalagita sa barangay tanod ng Catmon at nang puntuhan ang bahay ni Ryan ay nakita ang dalagita.

Inamin ng dalagita na apat na beses na silang nagtabi ng suspek at dahil menor-de-edad ay inireklamo ng panghahalay si Ryan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.