Binata, Kulong sa Pagkiskis ng Harap sa Puwet ng Dalaga

KULONG ANG isang binata matapos ikiskis ang ari sa puwet ng dalaga at tangkaing dukutan ng una ang huli habang nakapila para makapagparehistro sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Alvin Alapide, 22 ng Phase 3, Barangay 14 ng lungsod.

Sa pahayag ni Angelica Ramos, 18, alas-11 ng umaga, nasa likod niya ang suspek habang nakapila upang magparehistro sa Comelec sa A. Mabini St., ng lungsod nang mapansin na ikinikiskis ng suspek ang harapan nito sa puwet ng biktima.

Pilit pang dinudukot ng suspek ang cellphone sa bulsa ng biktima na naging dahilan upang mapasigaw si Ramos na nakatawag ng pansin sa mga pulis.

Nang malaman ang nangyari, agad na dinala sa presinto ang suspek at sinampahan ng kasong Unjust Vexation at Attempted Robbery.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.