Binata, kulong sa lihim na pag-ibig

KALABOSO ANG isang binata makaraang i-paaresto ng mga magulang ng isang menor de edad na kasintahan na umano’y itinago nito ng halos limang -araw sa Brgy. Bancal, Meycauayan City sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Sidney Villaflor kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang dinakip na suspek na si Mark Anthony Vargas Y Paragos, 19 anyos, residente sa nabangit na barangay, habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Gloria, 15 anyos, residente naman ng Brgy. Langka sa naturang siyudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, Enero 13 ng taong kasalukuyan nang idine3klarang nawawala ang dalagita, kung saan unang hinanap ang biktima sa tahanan ng boyfriend nito subalit itinanggi ito ng suspek.

Makalipas ang ilang araw, sa patuloy na paghahanap, isang concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya kung saan itinago ng suspek ang hinahanap na dalagita.

Kung saan magkahawak-kamay pa ang dalawa nang damputin ang mga ito ng mga tauhan ng PNP kasama ang ilang kinatawan ng DSWD at barangay tanod.

Samantala, kasong concented abduction in reletion to Republic Act 7610 ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Meycauayan Municipal Jail.

(TONY DEL PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.