Binata, Kulong sa Itinanan na Dalagita

SWAK SA kulungan ang isang binata matapos itanan at galawin ang dalagitang nobya sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Rape in relation to Child Abuse si Macario Cunanan, 29, ng Administration Site, Tala ng lungsod.

Sa ulat, ilang araw na ang nakalilipas ay nagpaalam ang biktimang edad 15 sa kanyang lola na sasama sa isang kamag-anak na uuwi sa Quezon na naging dahilan upang payagan.

Kamakalawa dakong alas-7:30 ng umaga, isang kapitbahay ang nagsabi sa lola na ang kanyang apo ay naki-pagtanan sa suspek na kanilang kalugar.

Agad na nagpunta sa kanilang barangay ang lola upang puntahan at mabawi ang apo.

Nang madatnan ng lola ang apo sa bahay ng suspek ay pinadakip ang huli bago sinampahan ng mga nasabing kaso.

Inamin naman ng suspek na nagalaw niya ang biktima subalit dahil sa pagiging menor de edad ay kinasuhan ng lola.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.