Binata kulong sa 41 piso

HINDI PA AABOT sa P50 ang inumit ng isang binata sa isang supermarket sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kulong ang inabot ni Arjay Roque, 20, ng BF Homes ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, pumasok ang suspek sa loob ng Ultra Mega sa T. Samson Rd., Camarin ng lungsod at nag-ikot.

Dumampot si Roque ng dalawang sachet na Milo at Tang na nagkakahalaga lamang ng P41.

Nakita naman ito ng isang empleyado ng supermarket at agad na ininguso sa kanilang guwardiya.

Paglabas ni Roque ay agad na sinita at hinanapan ng resibo sa Milo at Tang at nang walang naipakita ay dinala sa presinto. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.