Binata, Kritikal sa Trip ng Adik

NAKATUNTONG SA hukay ang isang paa ng isang 18-anyos na binata, makaraan pagtripang pagsasaksakin ng isang hindi nakikilalang suspek na bangag sa droga kahapon ng umaga sa Navotas City.

Ang biktima na nasa kritikal na kundisyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay na-kilalang si Ferdinand Burgos Torres ng Ar. Cruz St., Brgy. Tangos, ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas ang isang alyas “Buknoy” matapos nitong pagsasaksakin ang biktima.

Base sa ulat ni PO2 Philip Edgar Valera may hawak ng kaso, dakong alas-3 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Mariano St., Brgy. Tangos.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang harangin ito ng suspek na bangag sa droga at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ng suspek sa katawan ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay dali-daling umalis ang suspek dala-dala ang ginamit na patalim habang si Torres naman ay kaagad na isinugod sa nasabing pagamutan kung saan ito ngayon ay inoobserbahan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.