Binata, Kritikal sa Trip ng 2 Kelot

KRITIKAL ANG isang binata makaraang pagtripang saksakin ng dalawang kelot habang ang una ay naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa President Diosdado Memorial Medical Hospital sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edison Carillo, 20, binata, ng No. 2429 Sawata Area 1, Brgy. 35, Maypajo, Caloocan City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na sina Mark Rodan Garcia, 18, binata, estudyante, ng Blk. 19, Lot 38, Kaunlaran Village, Brgy. 28, Caloocan City at Antonio Penas, 19, binata, ng Blk. 17, Lot . 44, Phase 3D, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Fishpond, Sawata Area 1, Brgy. 35 ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Albert Manaliclic, 18, pedicab driver, nakita nitong naglalakad ang biktima nang bigla na lamang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.

Dahilan upang magsumbong ito sa barangay tanod upang ipaalam ang nasabing insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Habang isinugod naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng kanyang kapatid na si Eduardo, 31, para lapatan ng lunas kung saan huling iniulat na nasa malubha itong kalagayan.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong Frustra-ted Homicide sina Garcia at Penas sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.