Binata, Kritikal sa Tarak sa Dibdib

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang lalaki makaraang saksakin sa dibdib ng isang hindi nakikilalang suspek na matalik na kaibigan ng amain ng biktima matapos ang isang mainitang pagtatalo sa Caloocan City kagabi.

Si Mark Daryl Mallari, 18, binata, estudyante at residente ng Phase 4, Packgae 5, Brgy. 177, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod ay kritikal ang kalagayan sa Bernardino Hospital.

Nagsasagawa ngayon ng paghahanap ang mga elemento Caloocan PNP laban sa isang alyas, “Widci” na sinasabing kalugar ng biktima.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulis, bandang alas-6:15 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente ng pananaksak sa kahabaan ng Phase 4, Package 5.

Nabatid na naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek na may dalang patalim at kaagad na inundayan ng saksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Bago umano maganap ang pananaksak, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang kanyang ama at ang kanyang tiyuhin sa hindi malamang dahilan kung saan ay nakaharap ang biktima at ang suspek.

Habang nagtatalo ang ama ng suspek at ang tiyuhin nito ay biglang sinuntok ng batang Mallari ang kanyang amain na tinamaan sa kanang kilay na hindi nagustuhan ng suspek hanggang saksakin nito ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Matapos ang nasabing insidente ay mabilis na tumakas ang suspek dala-dala ang ginamit na patalim.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya sa posibleng ikadarakip ng suspek. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.