Binata, Kritikal sa Sekyu ng Motel

MALUBHANG NASUGATAN ang isang binata matapos itong pukpukin bago binaril ng security guard ng hotel na papasukan ng una kasama ang girlfriend makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kamakailan ng hatinggabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang balikat si Manuel Piozon, 27, ng Libis Baesa, Sta. Quiteria ng lungsod.

Hinahanting naman ng mga pulis upang maa-resto ang suspek na si Rey Sermeniano, nasa hustong gulang, security guard ng Night Owl Security Agency at guwardiya ng Aliw Inn Hotel.

Batay sa ulat, alas-12 ng hatinggabi, pumasok ang biktima kasama ang girlfriend na si Rhea Eustaquio, 27, sa Aliw Inn Hotel sa Tirad Pass St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod at nagtanong kung may bakanteng kuwarto.

Sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek hanggang sa bunutin ng huli ang baril at ipalo sa una bago ipinutok.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU, kung saan inaalam na ang pinagtalunan. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.