Binata, Kritikal sa Paminta

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na hindi naabutan ng paminta habang kumakain ng lugaw sa Caloocan City Lunes ng madaling-araw, Oktubre 24.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang mukha si Nelvin Bayotas, 26, ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw, kumakain ng lugaw ang biktima kasama ang kaibigan sa lugawan sa Phase 4, Bagong Silang nang makisuyo ng paminta ang suspek na kumakain din.

Hindi pinansin ng kaibigan ng biktima ang suspek na nagalit at naging dahilan ng pagtatalo.

Umalis ang suspek at makalipas ang ilang sandali ay bumalik at walang salitang nagpaputok ng baril at minalas na tinamaan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.