Binata, Kritikal sa Pagsaklolo sa Kaibigan

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos masaksak nang tangkain saklolohan ang kaibigan na ginugulpi ng suspek sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Center sanhi ng saksak sa leeg si Christopher Julius Ermina, 28 ng Gulayan, Concepcion ng lungsod.

Ginagamot din sa nasabing ospital sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan ang suspek na si Roger Bautista, 47 ng Sto. Niño, Concepcion ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2:30 ng umaga, nakita ng biktima na binubugbog ang kanyang kaibigan na si Richard Solano ng suspek sa Gulayan, Catmon ng lungsod na naging dahilan upang saklolohan ni Ermina.

Naglabas ng patalim ang suspek at sinalubong ng saksak ang biktima bago tumakas subalit ilang tambay ang humabol at nang abutan ay pinagtulungan bugbugin.

Isa sa mga tambay ang sumaksak sa suspek na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC kasabay ng biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinag-ugatan ng away ng suspek at ni Solano.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.