Binata, Kritikal sa Pag-awat

KRITIKAL ANG isang binata matapos masaksak ng kalugar nang awatin ng una ang kinasangkutang kaguluhan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Ruel Crisostomo, 24, ng Black Rosary Creek, Llano ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Lito Yangson, 30, at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, nakitang nakiki-pag-inuman ang suspek sa tindahan sa nasabing lugar nang lapitan nina alyas Albert at Tiktik at pinalo ng bote si Yangson.

Hindi napuruhan si Yangson na naging dahilan ng rambulan at nang dumating ang biktima ay umawat.

Nakakuha ng patalim ang suspek at walang puknat na umunday ng saksak at ang biktima ang minalas na tinamaan.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa VGH habang nadakip ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.