Binata, Kritikal sa Nalaglag na Pen Gun

NASA MALUBHANG kalagayan sa pagamutan ang isang 18 anyos na binata makaraang sa leeg ng bala ng homemade gun (pen gun) matapos na mahulog sa semento habang nilili-nis ng kanyang kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Angelo Salansang, out of school youth at residente ng # 60 Briones St., 7th Avenue, Brgy. 52 ng nasabing lungsod.

Kaagad namang tumakas matapos ang insidente ang suspek na si Erzy Manabat, 17, walang tiyak na tirahan.

Sa ulat ni SPO3 mario A. Solangon, ng Sub-Station 1, CCPS, at may hawak ng kaso, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng isang bahay na may numerong 134 3rd St., 7th. Avenue, Brgy. 112, Grace Park, Caloocan City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nililinis ng suspek ang nasabing baril nang aksidente itong nahulog sa semento at biglang pumutok at tinamaan ang biktima sa leeg na nagresulta sa malubhang pagkakasugat.

Kaagad na dinala ang biktima sa Pres. Diosdao Macapagal Memorial Medical Center para sa medical treatment kung saan ito ay kritikal pa ang kundisyon.

Ang suspek ay pinagha-hanap na ang mga elemento ng Caloocan City Police para papanagutin sa naganap na insidente.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.