Binata, kritikal sa kalugar

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos saksakin ng kalugar habang ang una ay naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Commonwealth Hospital sanhi ng saksak sa tiyan si Victor Del Rosario, 24, ng Natividad, Deparo ng lungsod.

Nadakip naman si Rey John Padrigo, 23, kalugar ng biktima, habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktima ang kaibigan na si Benjamin sa kanilang lugar nang salubungin ng mga suspek at saksakin si Del Rosario.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip si Padrigo at inaalam na ang motibo sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.