Binata, Kritikal sa Boga

KRITIKAL ANG BINATA matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Raymond Espuña, 21, ng Sawata, Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:15 ng umaga, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa mga kaibigan malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at isa ang agad na pumutok kay Raymond.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.