Binata, kinuyog ng kadyot ng kalabang grupo

PATAY ANG ISANG binata habang sugatan ang kaibigan nito matapos pagtulungang pagsasaksakin ng mga hindi pa nakikilalang kalabang grupo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Jessie Cabuguang, 23, ng Barrio Sta. Rita, Tala ng nabanggit na lungsod, habang inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center ang kaibigan at kalugar nito na si Ferdauzi Ombawa, 20.

Sa ulat, alas-6:45 ng gabi, nakikipagkuwentuhan ang mga biktima sa mga kaibigan sa Quiricada St., Tala nang sumulpot ang mga suspek armado ng mga patalim.

Agad na pinagtulungan ang mga biktima na pagsasaksakin bago nagsitakas ang mga suspek habang dinala naman sa mga nasabing ospital ang magkaibigan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.