Binata, Kinatay ng Kapit-bahay

TODAS ANG binata matapos sakalin at pagsasaksakin ng kapit-bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Ryan Ebuena, 26, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Paulo De Gala, 19, at kapit-bahay ng biktima.

Base sa ulat, alas-11:20 ng gabi, nakita na lang mga kapit-bahay na sinasakal ng suspek ang biktima sa labas ng kanilang bahay.

Nang bitawan ay nagbunot ng patalim ang suspek bago pinagsasaksak ang hindi na nakapormang biktima.

Tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRH ang biktima at inaalam na kung ano ang ikinagalit ng una. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.