Binata, Kinatay ng 2 Kalugar

TODAS ANG isang binata matapos itong katayin na parang manok ng dalawang kalugar habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang dinadala sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng laslas sa leeg si Anthony Paul Alonzo, 28, ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman si Jayson Enciong, 19, habang nakapuga ang kasamang si San Dave Ortiola, 22, kapwa ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang salubungin at gilitan ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa JRH, habang nadakip naman si Alonzo, samantalang nakapuga si Ortiola.

Inaalam na ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Binata, Kinatay ng 2 Kalugar

  1. i would like to ask if theres any follow-up report about the motive. the victim will be buried but the suspects are still is at large..can i ask for more details on this issue.

    we would really appreciate your help if you could gather more info on this. Media expose helps a lot. thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.