BINATA KALABOSO SA PANGALAWANG RAPE TRY

RIZAL – KALABOSO ANG 18-anyos na binata matapos na muling pagtangkaang gahasain sa ikalawang pagkakataon ang dalagitang kapit-bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones ang suspek na si Nelson De Villa, binata, construction worker, residente ng Slaughterhouse, Brgy. Guitnang Bayan ng nasabing bayan.

Galit na galit naman ang biktima na itinago sa pangalang Janet, 16 anyos, kapit-bahay ng suspek dahil sa mga tinamong maraming pasa at sugat sa kanyang katawan mula sa patalim ng suspek.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi kung saan ay nakatulog ang biktima sa kanilang sala matapos manood ng telebisyon.

Nabatid na pumasok ang lasing na suspek at tinutukan ng patalim ang dalagita at saka sinimulang paghihipuan sa maseselang parte ng katawan. Bagama’t natatakot, pinilit nitong manlaban hanggang sa magising ang nakatatandang kapatid na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay dahil sa kalabog.

Ayon sa ina ng biktima na si aling Lydia, tiniyempuhan ng suspek ang kanilang pag-alis na mag-asawa para mamili ng gulay sa Balintawak saka sumalisi.

Ayon pa kay Aling Lydia, tinangka na ring halayin ng suspek ang kanyang anak noong katorse anyos pa lamang ito, at pinatawad niya dahil sa pagmamakaawa ng ina nito.      (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.