Binata, Humabol sa Undas; 1 Pa, Kritikal sa Apat

HUMABOL SA undas ang isang binata habang kritikal ang kasama nang pagsasaksakin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Wilson Bayson, 21, ng Hernandez St., Catmon ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Bryan John Garza, 18, ng Roque St., Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, nagkukuwentuhan ang mga biktima sa Damata, Letre ng lungsod nang lapitan at pagsasaksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman si Garza sa TMC habang napuruhan si Bayson.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.