Binata grinipuhan sa tiyan

PATAY ANG ISANG binata matapos itong saksakin ng hindi nakilalang lalaki na nag-abang sa una sa paglabas nito sa isang videoke bar kung saan ito uminom mag-isa sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Si Yaser Viloria, 34, helper, ng # 12 Katipunan St ., Brgy. 139, Bagong Barrio ng nasabing lungsod ay hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa tiyan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 4:00 ng madaling araw sa labas ng isang maliit ng videoke bar na matatagpuan sa panulukan ng de Jesus St. at EDSA, Brgy. 139, Bagong Barrio.

Nabatid, unang nakitang umiinom mag-isa sa naturang videoke bar ang biktima at nang malasing na ito ay nagpasya nang umuwi ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay inaabangan na pala ito ng suspek.

Paglabas na paglabas ay sinalubong ito ng saksak ng suspek saka mabilis dahilan ng pagkamatay nito habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa di-malamang direksyon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.