Binata, Ginulay ng Tropa

KRITIKAL ANG isang binata matapos kuyugin at pagsasaksakin ng nakainuman sa birthday party sa Caloocan City kamakailan ng hapon.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Gerard Samson, 22 ng Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman sina Elmar Valbuena, 22; Alejandro Gallanno, 20; at Demson Gagasa, 20; habang pinaghahanap naman sina alyas Obet; Loloy; Jun; at Dodoy, pawang ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-3 ng hapon, naimbitahan ng kalugar na si Roxan Cariño ang biktima sa birthday kung saan nadatnan ang mga suspek na nag-iinuman.

Inaya ang biktima na tumagay na nagpaunlak naman subalit makalipas ang ilang sandali ay nakatalo ng huli si Valbuena.

Walang salitang sinapak ni Valbuena ang biktima at nang papalag ay kinuyog na ng mga suspek at bago nagsitakas ay iniwanan ng mga saksak si Samson na naging dahilan upang dalhin sa EAMC.

Nadakip naman ang tatlo habang pinaghahanap pa ang apat at inaalam na kung ano ang pinagmulan ng insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.