Binata, Ginilitan ng Minura

TODAS ANG binata matapos pagsasaksakin at gilitan ng tatlong kelot makaraang murahin ng una ang isa sa mga huli sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan at laslas sa lalamunan si Arwin Tagalog, 28, ng Sanciangco St., Catmon ng lungsod.

Nadakip naman si Crismar Sajor habang nakatakas ang magkapatid na Nestor at Felix Moreto, Jr., pawang nasa hustong gulang at mga kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, ala-1 ng hapon, nakikipag-inuman ang biktima kay Rose Ann Aceron sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at kumprontahin dahil minura ni Tagalog si Felix.

Naglabas ng mga patalim ang mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Tagalog sa PLM.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Sajor na pasakay ng pampasaherong jeep upang tumakas.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.