Binata, Dinumog ng Bugbog at Saksak ng 5

KRITIKAL ANG isang binata matapos pagtulu-ngang bugbugin at saksakin ng limang hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa President Disodado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Jomarie Dela Cruz, 20, ng Phase 2 ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw, nakatayo ang biktima sa Salmon St., ng lungsod nang lapitan at bugbugin ng mga suspek.

Bago nagsitakas ay isa sa mga suspek ang sumaksak sa biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.