Binata, dakma sa sumpak

ARESTADO ANG ISANG binata matapos itong mahulihan ng sumpak (improvised shotgun) habang ang una ay naglalakad sa madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police habang nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition ay nakilalang si Winston Jamin, 21-anyos ng Phase 4, Package 1, Block 18, Brgy. 176, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong 10:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Phase 4, Bagong Silang.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Caloocan City Police sa naturang lugar nang maispatan ng mga ito ang suspek na naglalakad habang may dalang sumpak.

Agad na sinita ng mga pulis ang suspek at nang tangkain nitong tumakbo ay mabilis itong napaikutan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.