Binata, Comatose sa Bato

COMATOSE SA pagamutan ang isang binata makaraang pukulin ng bato sa ulo ng isang hindi nakikilalang suspek matapos na hindi makita ng suspek ang ama ng una habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanyang bhay sa Caloocan City kamakalawa ng hating-gabi.

Ang biktima na nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Dr. Jose Reyes Memorial Medical Hospital (JRMMH) ay si Emmanuel Rweyes, 24, binata, ng # 632 Tagaytay St. ng nasabing lungsod.

Sa naging ulat ng Caloocan City Police Station, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Tagaytay St. dakong alas-12:00 ng hating-gabi.

Nabatid na bago ang insidente, isang hindi nakikilalang lalaki ang galit na galit na nag-aantabay sa pagdating ng ama ng biktima subalit hindi dumarating at nang makita ng suspek si Emmanuel na naglalakad ay walang anumang salita ay pinukol ito ng malaking tipak ng bato na tinamaan sa noo.

Walang malay at duguang tumimbuwang sa kalsada ang biktima habang ang suspek ay mabilis na tumakas at ang biktima naman ay mabilis na dinala ng i-lang kalugar sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC).

Dahil umano sa kakulangan ng mga kagamitan ay mabilis na inilipat ang biktima sa DJRMMH kung saan ang biktima ay nasa comatose na kalagayan.

Napag-alaman pa sa

ilang kalugar ng biktima, may atraso umano ang ama ng biktima sa suspek kung kaya’t ito ay pinaghahanap ng huli at ang biktima ay siyang nagbayad sa atraso ng ama nito.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek para papanagutin sa kanyang ginawang pambabato sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.