Binata, Binoga sa Mukha; Kritikal

KRITIKAL ANG isang binata matapos barilin ng kaaway habang ang una ay nagyoyosi sa harap ng tindahan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa mukha si Ricardo Pacris, 21, ng Carmelite, Tala ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Erwin ng Phase 8-B, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, alas-7 ng gabi, nagyoyosi sa harap ng tindahan ang biktima nang lapitan at paputukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.