Binata, Binoga sa Masamang Titig

KRITIKAL SA pagamutan ang isang binata matapos itong barilin ng hindi kilalang grupo ng kalalakihan na nakatitigan ng una ang mga huli sa isang videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Isinugod sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala ng shotgun sa kanang hita ang biktimang si Jayson Lopez, 25, service crew, ng No. 98-A Pineapple Road, Brgy. Potrero Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pineaplle Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Nabatid na bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa Triangulo Bar na matatagpuan sa Mc Arthur Hi-way ng nasabing lungsod habang isang grupo naman ang naroon na nakatitigan ng biktima.

Nagkaroon ng palitan ng salita sa grupo ng mga suspek at biktima hanggang sa lumabas na ang grupo ng naturang bar.

Makalipas ang ilang minuto, paglabas ng biktima sa bar ay binaril ito ng isa sa mga suspek saka mabilis na nagsitakas habang dinala naman sa nasabing pagamutan si Lopez upang lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.