Binata at Dalaga, Kritikal sa Taga

MALUBHANG NASUGATAN ang binata at dalaga nang tagain ng kalugar habang ang mga una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng taga sa katawan sina Rowena Paez, 21; at Jun Soria, 32, kapwa ng Pama-Sawata ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Virgilio Santiago, nasa hustong gulang at kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, naglalakad ang mga biktima sa nasabing lugar nang tagain ng suspek.

Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo ng suspek at tinaga ang mga biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.