Binata, arestado sa pagtanan ng 13-anyos na syota

PANGASINAN – NAUDLOT ANG pangarap na honeymoon ng isang 26-anyos na binata nang ipakulong siya ng mga magulang ng kanyang menor na nobya sa bayan ng Tayug.

Sinasabing isinuplong si Sonny Antulon ng Brgy. Cabalitian, Umingan nang itanan nito ang kanyang dalagitang nobya sa bayan ng Tayug.

Ayon sa impormasyon mula sa kapulisan, magka-textmate ang suspek at ang biktima na 13-anyos na tubong-Tayug.

Niyaya umano ng suspek ang biktima na magkita sa bayan ng Tayug at susunduin ito.

Matapos na magkita, dinala nito ang dalagita sa Cabanatuan, Nueva Ecija at hindi na pinauwi.

Nalaman ito ng mga magulang ng biktima na agad namang nagsuplong sa mga pulis. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.